Sunday, August 11, 2019

Madalas Mangyare Sa Pelikulang Pilipino

Paulit ulit na eksena, pero kahit minsan wala  pa sigurong nagsawa, ang mga kadalasng eksena sa isang "TUNAY" na pelikulang pilipino.
  • Action
Laging may sidekick na Komedyante ang Bida, At kahit anung tanda nito hanep makahanap ng chicks dalaga at sariwa. Paboritong pasalubong ang Pansit, At alam mu na mamatay ang taong tuwang tuwang makakain ng pansit kung hindi aksidente ay papatayin, agaw buhay na pero walang tumatawag ng ambulansya kaya wala ng gagawin kundi maghabilin na lang. Titingala at isisgaw ng bida ang pangalan ng namatay.

Maghihigante tuloy si Bida, Makikipagsuntukan ng magisa laban sa madameng kalaban at akalin mong mananalo sya di ata naisip ng kalaban na sugurin ng sabay sabay. Magkakaroon ng habulan ng sasakyan at Himalang walang Traffic. Isa sa mga sasakyan ng goons dadaan sa rampa at sasabog. Yung iba naman sasalpok sa isang Fruit Stand. Mauuwe ang lahat sa isang Warehouse o Abandunadong Factory, Mura ang Baril, Pag wala ng bala itatapon. Kaya sa huli magsusuntukan na lang ang matitibay, Di naisip na pulutin ang mga baril ng namatay.

At kung Mala pusa ang buhay ng Bida, wag mu ng itanong kung ganong kadame ang buhay ng leading lady nya..
  • Comedy
Asahan mu na ang ending ay kantahan at sayawan sa beach, Lagi din may barilan sa bandang huli at magaling makipagsuntukan ang mga babae. Kapag babanat ang sidekick babatukan ng bida at kung si Wenn Daramas ang Direktor, asahan mo na si DJ Durano.

  • Drama/Love Story
Kawawa at inaalipusta ang bida na mahirap, Aalis at mawawala ng matagal pagbalik mayaman na sya at mapapansin lage syang nakakulot. kapag mahirap ang Kasintahan ng mayaban na babae aalukin na lng ng tseke ng magulang ng babae ang lalake. 

may alam ka bang pwedeng idagdag?
Comment na!

The OTHER TIPS for a Highly Effective Blog Post

Napakasarap talagang maging blogger! Pero mas masarap kung marameng reader! Itong post ko ay tungkol sa sikreto kung paano maging isang magaling na blogger! (Na wala akong idea kung paano nga at kung merun nga nun). Panibagong kalokohan naisip ng isang taong di alam ang kanyang ginagawa. Nagpapansin lang at sana mapansin niyo! At kung anu ang mabasa niyo ngayon, kalimutan nyu na bukas.



  • Alamin mu ang gusto mo at Kung may gusto ba ng gusto mo – Masaya at nakakagana magsulat ng bagay na hilig mo. Mahirap lang eh kung ikaw lang ang may interest dito. Isa sa pinakamasakit bilang isang blogger ( para sakin) eh malaman na ikaw lng ang reader ng sariling blog mo. Pero bihira naman mangyare siguro yun, dahil kahit papano may maliligaw at mapapadpad din dyan, at minsan madalas pang scenario eh yung mga bagay na bihira lng mapansin, gawin, mangyare o makita eh  yun pa ang madalas na ginagawa, nagyayare, napapansin at nakikita ng karamihan.
  • BE CREATIVE! – maging masining sa pagsulat , wag mu akong tularan! Magulo at nakakalito! Minsan okey din ung maiksi pero malaman at nakakabusog kesa naman sa ubod ng haba eh wala namang kwenta, masabi lang mahaba kahit galing sa pwet ang pinagkuhanan ipinapublish na, Tulad nito. Ok din ung mahaba, hindi nakakabitin pero dapat hindi nakakatamad dapat kung alam mu ng may parte sa sinulat mo na medyo tatamarin ang reader mo sundan mo agad ng parte na magbibigay ng pakiramdam na maging Masaya sya, un katulad ng pakiramdam ng ( hndi ko na kayang sabihin pa ).



  • Sino ba ang Target? – sino ba ang gusto mong maging reader? Know your target, tulad ko nagsulat ako sa tagalong dahil syempre Pilipino ang target readers ko sa post na to, kahit mas sanay ako mag ingles (Ulol!). pero mas ok kung ang 1st language ng blog mo ay English, more readers! Saka ka na lng maghalo ng post na tagalog, kung sa tingin mu ay may ok to sa tagalog. Tulad ng mga post na may galit at inis. Mas masarap kaseng basahin ang post na may mura na tagalog kesa sa ingles, para sa akin. .( sa tingin ko di kita natulungan sa part na to, ang labo ko!
  • Maging at wag maging Unique ! – mas unique ung post, mas ok! Gumawa ka ng teritoryo mo. Sumakop ka ng topic na sa blog mo lang makikita, wag kang mag alala kase balang araw mapapansin din yan! Tulad na lng ng post ko nuon na “bakit masama kumain ng polvoron pagkatapos ng paspasang basketball” naniniwala ako na may gagawa ng thesis tungkol dyan at gagawin source ang blog ko balang araw at napakasarap ng pakiramdam na yun. AT Wag kang maging Unique! Wag ka gumawa ng blog entry na ikaw lang ang nakakaalam! kung naiisp mung gumawa ng entry tungkol sa pagtatalik ng Ipis wag mu ng subukan! (nagawa ko na yun) at maniwala ka di maganda ang resulta. Sumabay ka sa uso, sumabay ka sa trending! at maghanap ka ng magtetrending! At magulat ka na lng sa mga susunod na pangyayari.
  • Sumulat ka para sayo, sumulat ka para sa kanila – paano? Di ko alam. Pero sa tingin ko lahat naman ng nagblog gumawa nun dahil gusto nila at gustong ipamahagi ang nalalaman nila. Gumawa sila ng blog entry ayos sa gusto nila at nakuha nila ang panlasa ng mambabasa pero syempre habang tumatagal may nagbabago. Kailangan magsulat ng entry na magugustuhan nila, kailangan ng bago ng di sila magsawa. Pero kung may aalis naman, madalas may kapalit. Kaya ayos lang.


At ang panghuli, iwasan mung magbasa sa mga blog na may post about sa kung paano ba gumawa ng magandang blog. Karamihan sa kanila hindi naman nakabasa ng tips sa ibang blog. May Originality sila! At dahil siguro successful ang naging outcome nila gumawa na sila ng post kung pano gumawa ng isang magandang blog ayun mismo sa experience nila. Yung iba naman trip lang nila magpost ng tips tungkol sa blog kahit di nila alam ang mga pinagsasabe nila at wala silang alam tungkol dun ( tulad ko ).

Mga Nakakatawa at Kakaibang Salita

Kahapon may napagusapan kame ng tropa about sa mga kakaibang salita. habang nagkekwento sya eh tawa ako ng tawa. Sabi niya madame pa daw yun kaya naman sinubukan kong hanapit kay Master google at nahanap ko naman,. Just want to share it to you guys! Pantagal Stress lang. :D


1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahanong amoy sa kilikili, ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas, itoy dumudikit sa damit, at humahalo sa pawis, madalas na naaamoy tuwing registration ng kahit ano dahil sa sobrang siksikan ng mga tao.
Pu#$%*#, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo???

2. KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng boobs, madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na nilalagay sa katawan, maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o nanghihilod ang isang babae, ang KUKURIKAPU ay madalas mamuo sa babaeng maallaki ang joga.
honey, maligo ka na kaya para maalis yang KUKURIKAPU mo

3. MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal, mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal, subalit hindi talaga ito maaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban nlng kung ipapa laser.
"how nice naman ur MULMUL!!" 




4. BURNIK - taeng sumabit sa buhok sa puwet, madalas nararanasan ng mga taong nagtitissue lamang pagkatapos tumae, ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito, ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang itoy maalis, Itoy kadalasan ding makikita sa mga amerikanong nag titissue lamang.

"labs, alam ko kung ano kinain mo kanina!!!"

5. AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief dahil sa pagmamahal sa suot panloob, nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay nasuot na ng hindi bababa sa tatlong araw.

6. DUKIT - itoy ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwet…. Try to prove it dats DUKIT.

7. SPONGKLONG - itoy isang bagong wika na nangangahulugan sa isang estupidong tao.

8. WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mag tambay sa kanto na lagging nakahubad. Meron din ang ibang mga babae nito.
"inay! Si itay, sinaksak ung kapitbahay natin kasi hinila un WENEKLEK niya!!!!!!"




9. BARNAKOL - ito ay maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.

10. ASOGUE - buhok sa kili kili.

11. KALAMANTUTAY - mabahong pangalan.

12. BAKTUNG – pinaikling salitang BAKAT-UTONG.
"uy, jefferson si maam BAKTUNG nanaman!!!"

13. BAKTI - pinaikling BAKAT-PANTY.

14. JABARR - pawis ng katawan.

15. BULTOKACHI - tubig na tumatalsik sa puwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.

Nakakatawang Tanong

Maraming tanong na imbis sagutin matatawa ka. Mga tanong na totoo pero mahirap ipaliwanag. Sabay sabay natin alisin ang bad vibes sa katawan habang binabasa ang mga tanong na nakakatawa. Sana matawa din kayo dito tulad ko. Pantagal stress lang! Kung merun pa kayung mga nakakatwang tanong, feel free to comment!
  •  sa luncheon meeting ba luncheon meat ang inihahanda?
  •  bakit ang taba ng barbeque palaging nasa hulihan?
  •  ang lason ba pag na expire nakakalason pa din?
  •  bakit sa pineapple wala akong makitang pine, wala ring apple?
  • One goose, 2 geese. So one moose, 2 meese?
  •  kung yung plural ng tooth ay teeth bakit yung plural ng booth ay hindi beeth?
  •  bakit eggplant ang tawag e wala namang egg?
  • kung itanim natin yung egg magiging “eggplant”?
  •  bakit kapag CLOSE kayo ng isang tao, OPEN kayo sa isa’t isa?
  •  ang lamok ba kapag natutulog linalamok din?
  •  pwede bang maglagay ng baon mo pang dinner or breakfast sa lunchbox?
  •  bakit hindi na lang gumawa ng maraming pera para lahat tayo mabigyan?
  •  bakit ang mga bading, hindi naman nanganganak pero dumadami?
  •  bakit may lock sa pinto ng 7/11 convenience store eh 24 hours naman sila open?!
  •  Bakit buo ang Sky Flakes? di ba dapat pag flakes, durog siya?
  •  bakit walang bulaklak na kulay GREEN?
  • pare-pareho nga ba ang napangasawa nina sleeping beauty, rapunzel, at snow white?
       -- si Prince Charming? 


  • Eh ang tao, pag namatay, inu-uod... ?
  • Ang uod kaya pag namatay, tina-tao?
  • Bakit tinawag na building eh samantalang "built" na?


  • Kung bawal magdrive ng lasing eh bakit may parking lot ang mga bars?                                                                 


  • Kung ang vegetarian eat vegetables eh ang humanitarian ba eat humans?

  • pwede ba uminom ng coke or tea pag coffee break?

  • bakit ang bacon pagprinito lumiliit?

  • Kapag ang sabon nadumihan, kailangan pa bang sabunin para linisin?

  • bakit may lock sa pinto ng 7/11 convenience store eh 24 hours naman sila open?!
  • Kapag ang ipis nahulog sa tubig na may sabon, dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?
  • kung may totoong mangkukulam bakit di nakukulam ang mga kurakot na congressman?
  • Bakit kaya katoliko lang ang sinasapian?